Pagpapalago ng Turismo ng Pilipinas





          Isa ang Pilipinas sa mga bansang biniyayaan ng Maykapal ng likas na yaman at nagtataglay nang makulay na kasaysayang ating maipagmamalaki sa mga turista. Ang ating pamahalaan sa pangunguna ng Department of  Tourism ay matalino at buong sikap na ginagawa ang kanilang tungkulin upang makahikayat ng mga banyagang bisitahin at tuklasin ang mga natatanging yaman ng ating bansa. Base sa mga datos, malaki ang inilago ng ating turismo kumpara sa mga nagdaang taon. ngunit sa kabila ng pagsusumikap ng DOT ay bigo pa din nitong maabot ang target na kabuuang kita para sa taong ito.

           Ang pagkabighani ng mga banyaga sa mga magagandang lugar sa ating bansa ay hindi sapat na batayan upang mapagdesisyunang ng mga ito pumasyal sa atin. Isinasaalang-alang din ang kasiguraduhan ng kaligtasan, magandang serbisyo sa ating paliparan at iba pang uri ng transportasyon, gayundin sa mga tutuluyang hotel; abot-kayang presyo ng mga bilihin at mga iba pang mga pang araw-araw sa kanilang pamamalagi; kakaiba at masasarap ng pagkain; at higit sa lahat ang mabuting pagtanggap at pakikitungong likas sa ating mga Pilipino.

            Bilang isang kabataan, bagama’t tayo’y walang posisyon sa gobyerno ay mayroon pang rin tayong mga mumunting magagawa upang makatulong mapaunlad ang turismo sa ating bansa. Tulad ng simpleng pagbabahagi sa Facebook at iba pang social media platforms ng mga larawan ng magagandang lugar sa ating bansa. Buong mundo ang naabot ng internet at ang mga pinipost nating mga larawan ay hindi malabong maka enganyo ng mga banyaga ng bumibisitasa ating bansa. Isang malaking ambag din an gating pakikiisa sa mga adbokasiyang isinusulong ng mga political at non-political groups na naglalayong mapreserba ang likas na ganda ng mga tourist spot sa ating bansa. Isa sa mga simpleng kontribusyon nating mga kabataan ay ang pag-iwas na gumagawa ng bandalismo gayundin ang pagre-report sa kinauukulan ng nasaksihang gumawa nito.

 Ang pangarap na mapaunlad ang turismo n gating bansa ay hindi lamang nakasalalay sa sangay ng pamahalaang namumuno ditto. Kinakailangan din ang buong pusong pakikisa nating mga amamayan bilang pangunahing makikinabang sa mga mabubuting idudulot nito.

            Nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan ang pagbigay ng serbisyo at mga programa ang Department of Tourism para sa patuloy na pagiging perfect destination ng mga turista ang bansang Pilipinas.
        
  Source:http://jmrkxx.blogspot.com/2014/09/paano-mapapaunlad-ang-turismo-ng.html?m=1 
http://www.google.com.ph/amp/s/thepinoysite.com/2014/08/14/paano-mapapaunlad-ang-turismo-sa-pilipinas/amp/?espv=1
        
 
Members:
Loren Petchan
Cherry June Tero
Beverly Degamo
Ruth Aren amores
Mary Cris Moreno
Jasmine Macasiling
Rochelle Burlado
Sheila Mae Serrano
            

         


       

            

Mga Komento