Pagpapalago ng Turismo ng Pilipinas
Isa ang Pilipinas sa mga bansang biniyayaan ng Maykapal ng likas na yaman at nagtataglay nang makulay na kasaysayang ating maipagmamalaki sa mga turista. Ang ating pamahalaan sa pangunguna ng Department of Tourism ay matalino at buong sikap na ginagawa ang kanilang tungkulin upang makahikayat ng mga banyagang bisitahin at tuklasin ang mga natatanging yaman ng ating bansa. Base sa mga datos, malaki ang inilago ng ating turismo kumpara sa mga nagdaang taon. ngunit sa kabila ng pagsusumikap ng DOT ay bigo pa din nitong maabot ang target na kabuuang kita para sa taong ito. Ang pagkabighani ng mga banyaga sa mga magagandang lugar sa ating bansa ay hindi sapat na batayan upang mapagdesisyunang ng mga ito pumasyal sa atin. Isinasaalang-alang din ang kasiguraduhan ng kaligtasan, magandang serbisyo sa ating paliparan at iba pang uri ng transportasyon, gayundin sa mga tutuluyang hotel; abot-kayang presyo ng mga bilihin at mga iba pang mga pang araw-araw sa kan